Chapter 20 Plan Sa parking lot na kami naghintay ni Rico. Bigla kasing tumawag ang boyfriend niya, inaya siyang makipagdate. Manonood daw sila ng sine. Kaya hayun, halos mangisay na sa sobrang katuwaan ang bakla. Diyahe ngang tingnan e. Kay laking tao dinaig pa ang kagaslawan ko. Hinihintay na lamang namin ang pagdating ni Clyde.. Sabi ni Rico, bago siya tumulak. Nais niya raw munang makita at makilala ang amo ko at nang sa gayun ay makilatis niya ng maigi ang karakas nito. Buhat sa sinabi niya'y tumahip bigla ang puso ko. Magandang ideya kaya itong pagpapakilala ko sa kaibigan ko at sa boss ko? "Huwag kang mag-aalala Marsing, gusto ko lang namang makita. Hindi ko naman sinabing aagawin ko na lang bigla.." Ano daw? Napaka talaga ng maarteng baklang to. Pinandilatan ko siya ng mg