Chapter 12 Size Halos lahat ng naroon sa listahan nabili ko na .....Halos..... Dahil may isa pang hindi ko pa rin nabibili hanggang ngayon. Napakagat ako sa ibabang labi. Napahimas sa batok ko. Pagkatapos ay wala sa sariling nilingon ang kinaroroonan ng boss ko. Nasa may bandang counter siya. Pansin kong lahat ng kababaihang narito, matanda, bata, teenagers, single, at may asawa. Kung di man nakatitig sa kanya, kulang na lang ay ang mag-pa-autograph sa kanya.. Halos lumuwa rin ang mga mata nila katititingin kay Sir Clyde. At yung boss ko? Ayun, wala man lang reaksiyon. Sanay na yatang pinagpapantasyahan siya ng mga kababaihan. Tutuk na tutuk lang ang mga mata sa cellphone'ng hawak niya. Habang ako..? Mamamatay na yata sa kahihiyan buwisit! Nasa counter pa naman yung condom. Ma