Chapter 22 3rd Person's POV "Ito ba iyong location?" kunot noo na tanong ni Kale habang nakatayo sa pinakagitnan ng lumang gusali. Madilim doon at mukhang wala namang tao. Tiningnan muli ni Kale ang nakasulat sa papel na binigay sa kaniya ng mafia boss. After kasi nito ipakita kay Elliseo ang video inutusan siya ng binata na dalhin ang copy 'non sa lumang gusali. May tatlong lalaki na magpapakita doon. '202706' "2027—06," ani ni Kale na nag-echo sa lugar. "Anong kailangan mo, Dilemma ng black circle?" Napatigil si Kale matapos makarinig ng boses mula sa ikalawang palapag. Nagulat ang dalaga matapos maaninag ang binata na nandoon. Mula sa likod nito sumulpot pa ang dalawang lalaki. "Mga Mendez," bulong ni Kale— pamilyar sa kaniya ang mga bagay na nakakabit sa leeg ng tatlong l