Chapter 41 3rd Person's POV "Young master Elija! Lumabas ka na kailangan na natin mag-training!" Nilabas ni Elija ang ulo mula sa pagkakatago nito sa mataas na klase ng halaman ng mom niya. Nakatingin lang si Elija sa papalayong bulto ni Ward Chavez. Humagikhik si Elija at lumabas ng pinagtataguan. Nagtatalon si Elija matapos mawala sa paningin niya si Ward. "Brother Eli— anong ginagawa mo dito?" Napalingon si Elija. Nakita niya ang batang si Lindsay na nasa 13 years old. Napakurap si Elija at umiling-iling matapos matulala na naman siya sa magandang mukha ng batang babae. "Shh! Huwag kang maingay. Naglalaro kami ni uncle Ward ng hide and seek," ani ni Elija bago tumingin-tingin sa paligid. "Gusto mo sumama? May alam akong magandang lugar. Medyo madilim doon pero maganda," yaya