Chapter 18 3rd Person's POV Sa isip ni Kale mas mapapabilis ang mission nila kung magpapadala ang mga Villiegas ng informant at tauhan kapalit ng mafia boss. Tiningnan ni Kale si Jeon— umayos ng upo si Jeon at tiningnan ang ginang. "Pero nangako si Elliseo na tutulong siya sa amin," sagot ni Jeon na kinasapo ni Kale sa noo. Hindi siya makapaniwala na hindi nito kinagat ang offer. "Magulo ang sitwasyon ngayon ni Elliseo at hina-hunting siya ng mga taong nasa underground dahil sa blacklist. Bilang ina hindi ako papayag na mapahamak ang anak ko— sa mansyon na ito safe si Elliseo," sagot ng ginang. "Nawalan na ako ng anak at hindi ako papayag na mawalan ulit ako ng anak. Hindi stable ang lagay ni Elliseo— takot siya sa mga sasakyan paano na lang si Elliseo kung kailangan niya tumakas?"