"May iniisip lang ako tita. Kahit anong dinner tita ayos lang sa akin at hindi po ako ngayon dito matutulog— sa mansyon ako ng kapatid ko ngayon magi-stay since nag-promised ako sa mga pamangkin ko na makikipaglaro ako sa kanila bukas," sagot ni Elija. Biglang nanlaki ang mata ng ginang. "Oh my! Sila ba iyong tinutukoy ni ate Sylvia na mga apo niya?" natutuwa na tanong ng ginang. Napapalakpak pa ito. "Yes tita," may ngiti na sambit ni Elija. "Okay! Magbe-bake ako ngayon ng cup cake para sa kanila— dalhin mo iyon sa kanila at ipakain mo ah. Wait!" Parang bata na tumakbo ang babae sa kusina na sakto naman na bumaba si GD Abra Mendez ang kasalukuyang head ng mga Mendez. "Wife! Sinabi ko ng iwasan mo ng tumakbo diba?" "Sorry, Mister!" sigaw ng ginang sa kusina. Tumingin naman ang la