Chapter 20 3rd Person's POV Matapos marinig iyon inisip ni Krisha na ayaw ni Elliseo panagutan ang bata kaya agad ito nagwala. Sinabing nagsisinungaling si Krisha at tinakot si Elliseo na magpapakamatay ito kung hindi siya pananagutan. "Villiegas, bakit mo ginawa iyon? Pinagamit mo sa ibang lalaki si Krisha habang iniisip niya na ikaw iyon?" hindi makapaniwala na sambit ni Jeon. Ibig sabihin 'nong mga gabing iyon kasama talaga si Krisha at hindi ito nagha-hallucinate na may kasiping di Krisha na lalaki. "Para sa mission ginawa mo iyon?" dagdag ng babae na may pagkadisgusto sa mukha. "Let me ex—" "Anong ie-explain mo! Kahit ano pang mga kasamaan ang ginawa ni Krisha— wala kang karapatan na sirain ang buhay niya! Hindi ka diyos Villiegas!" galit na sigaw ni Jeon bago tumalikod at na