Chapter 24 3rd Person's POV Parang huminto ang ikot ng mundo ni Jeon nang pagbukas niya ng pinto at pagtapak sa loob ng bahay. Parang sirang plakang bumalik sa kaniya lahat ng ala-ala doon. Sa apat na sulok ng kwarto na iyon— kahit saan siya tumingin nakikita niya ang sarili niya at ina na masayang nagtatawanan. "Jeon." Lumingon si Jeon at nakita niya si Elliseo sa ilabas ng bagay. Bahagyang lumiwanag ang mukha ni Jeon matapos makita ang binata. Nasa pintuan lang si Jeon at hahakbang siya para lumapit kay Elliseo nang humakbang paatras si Elliseo na parang sinabing huwag siya lalapit. "Naniniwala ka ba sa tadhana— Jeon?" tanong ni Elliseo. Hindi umimik si Jeon at nanatiling nakatitig kay Elliseo na matamang nakatitig sa kaniya. "Nakatadhana tayo Jeon— nakatadhanag— patayin ang i