Chapter 44 3rd Person's POV "Papa, mama— iyon ang gusto kong tahakin na daan. Susuportahan niyo naman ako diba?" tanong ni Elgod. Hindi nakaimik ang mag-asawa dahil nag-aalala pa din sila. "Ma—pa?" "Darn it," ani ni Elliseo na napasapo sa noo. Ngumiti si Jeon at hinawakan ang kamay ng binata. "Kung saan ka masaya papayag ako," ani ng babae na kinaliwanag ng mukha ni Elgod. Tiningnan ni Elgod ang ama na may pagmamakaawa sa mukha. Tiningnan din ni Elgod ang lolo at lola niya. "Iho, kung saan masaya ang apo ko doon ako basta lagi kang mag-iingat," may ngiti na sambit ni Sylvia bago hinawakan ang kamay ng asawa. "Isa kang Villiegas, Elgod. Wala kang bagay na hindi maaring makuha," ani ng dating mafia boss na kinangiti ni Elgod. Tiningnan niya ulit ang ama. "Kung mangangako kang hi