Chapter 31 3rd Person's POV "Anong hinahanap mo?" tanong ni Elija kay Lindsay na sumisilip sa ilalim ng kama ng room niya. Tanging manipis lang na kumot ang nakatakip sa katawan ng dalaga at kasalukuyan pa itong nakayuko habang sinisilip ang ilalim. "Hinahanap ko iyong s*x toy na dapat gagamitin ko kagabi. Nawala bigla— sayang bago pa naman iyon," casual na sagot ni Lindsay. Biglang uminit ang pisngi ni Elija doon at sinapo ang noo. "Baka naiwan mo sa room mo," awkward na sambit ni Elija na tanging pajama at t-shirt lang ang suotm Napatingin si Lindsay. Sasagot ang dalaga nang makita na basa pa ang buhok ng binata— tumutulo pa ang buhok nito. "What the heck are you doing? Para kang si Fourth. Hindi ba kayo marunong magpatuyo ng buhok niyo?" ani ni Lindsay bago tumayo at tiningna