Chapter 10
3rd Person's POV
"Kung hindi konektado ang blacklist na iyon sa mga Constello— ano pang impormasyon ang maaring makapagpabulabog sa underground," tanong ni Creon n tila may malalim na iniisip.
"Ang whitelist," sagot ni Elliseo na kinatingin sa kaniya nina Creon.
"Whitelist?" ulit ni Kale na nakakunot ang noo. Nag-angat ng tingin si Elliseo.
"Mga pangalan ng mga taong bumubuo sa 3rd sector," sagot ni Elliseo na kinalaki ng mata ni Creon.
"What the heck! Posible ba na mag-exist 'yon?" tanong ni Creon na kinatingin ni Elliseo. Hindi makapaniwala si Creon dahil siguradong kahit saan sector ka nanggaling pag-iinteresan ang bagay na iyon— bakit gagawa ng ganoon na list ang mga Villiegas?
"Nage-exist iyon dahil ang mga Villiegas ang gumawa ng list na iyon— pero hindi namin iyon hawak. Kung sakali kung sino-sino 'man ang may hawak 'non wala din silang alam kung kaninong mga pangalan ang nandoon— tanging ang pinsan mo lang at si dad ang nakakaalam."
"Wala din magtatangkang magbukas 'non dahil labag iyon sa napagkasunduan at malaking gulo ang mangyayari kung magkataon," dagdag ng binata bago sumandal sa sofa.
Tiningnan ni Elliseo sina Jeon at Kale.
"Kung iyon ang hanap niyo tanong ko lang— gusto na ba kayo mamatay ng pinuno niyo?" ani ng binata na kinatigil ni Kale. Sa isip ni Kale kung iyon ang tinutukoy ng pinuno nila malaking mission iyon.
—
"Madnight! Anong kalokohan ito!" bulyaw ni Jeon matapos hampasin ng dalaga ang lamesa.
Napatingin ang ilang miyembro ng black circle na kasalukuyang may sariling mundo sa kabilang silid matapos marinig ang boses ni Jeon.
"Gurl, calm down. Huwag ka naman sumigaw," alanganin na sambit ni Kale habang hawak sa braso ang babae.
Kalmado lang naman nakaupo sa lamesa niya ang may code name na midnight at nakatayo sa tabi nito si phoenix na pinipigilan matawa.
Hindi kasi ini-expect ng binata na malalaman agad nina Jeon na wala talagang blacklist.
"Ano ba talagang mission namin dito, Midnight? Hindi naman ikaw iyong tipong ipapasok kami sa mission para paglaruan lang diba? Kung totoo iyon hindi nakakatuwa dahil alam natin lahat na ang mafia boss na iyon ang isa sa reason kung bakit namatay si Fred," ani ni Kale na may pagkadisgusto sa mukha. Kahit siya naiinis sa nalaman niya.
Hindi na napigilan na matawa ni Phoenix kaya napatingin sina Jeon sa binata. Nagdilim ang mukha ni Jeon kaya napataas ng kamay si Phoenix.
"Sorry, nakakatuwa lang kasi na naniwala kayo sa target niyo. I mean— pinagdudahan niyo agad si Midnight dahil lang sa sinabi nila na wala sa kanila ang blacklist."
Napatigil sina Jeon matapos marinig iyon. Naniwala sila sa dalawa kahit wala naman ebidensya. Tiningnan nila si Midnight matapos ito humalumbaba sa lamesa.
"Nakalimutan mo na ba na ang taong iyon ang pumatay sa fiance at anak mo?" tanong ng binata na kinayukom ng kamao ng dalaga.
"Iniisip mo ba talaga na nagsasabi siya ng totoo?" dagdag ng lalaki na dahilan para mabilis na umapila si Kale.
"Tama na Midnight! Mali na kami nagtiwala kami agad pero mali din na bigla mo na alng ipasok sa usapan ang nangyari kina Fred."
"Naniniwala akong wala sa kaniya ang blacklist— wala din dito kinalaman ang nangyari kina Fred dahil ang taong nasa harap mo ngayon ay si Crimson at malinaw na nasa gitna ako ng mission," may diin at makahulugang sagot ni Jeon. Hindi maiwasan makaramdam ng inis ni Jeon matapos ipasok ng pinuno nila ang nangyari sa anak at fiance niya.
Halatang ginugulo sila nito at kay tinatago ito sa kanila.
"Nagsasabi sila ng totoo at may tinatago ka," asik ni Jeon na kinatigil nina Kale. Natawa si Midnight matapos marinig iyon.
—
"Sa ilang taon na pagsunod-sunod ko sa iyo master. Kahit minsan hindi kita nagawang basahin— katulad ngayon," ani ni Creon bago tiningnan si Elliseo na kasalukuyang nakaupo sa lilim ng puno. Nakasandal sa katawan nito at nakatingala.
"What do you mean?"
"Ano ba ang rason at nandito ka? Bakit sumusunod ka sa babaeng iyon— malinaw na nanganganib ang buhay mo at miyembro ng black circle ang babaeng iyon?"
"Paano kung tama ang hinala ni young master Elija na may hindi magandang plano ang black circle sa black sector at gamitin ka?" dagdag ni Creon bago naiinis na umupo sa lupa at ginulo ang buhok.
Masyadong magulo ang sitwasyon sa loob ng black sector iniisip pa lang niya na masasangkot sila doon ay sumasakit na ang ulo niya.
"Siguro nagsawa na din akong tumakbo at umiwas. Parusahan ang sarili ko ng hindi sinusubukan itama ang mali ko," sagot ni Elliseo na kinatingin ni Creon. Nakita niyang inangat ng binata ang kamay niya at hinarangan ang liwanag na tumatama sa mukha niya.
"Kahit anong gawin ko hindi ko maibabalik ang mga buhay na nawala— kahit mamatay pa ako ngayon hindi ko na sila maibabalik," dagdag ng binata habang nakatingala.
"Ang tangi ko na lang magagawa ngayon ay bigyan sila ng hustisya at protektahan ang naiwan nila."
Nanlaki ang mata ni Creon matapos marinig iyon.
"A-Anong ibig mong sabihin? Nahanap mo iyong babae!" tanong ni Creon na may hindi maintindihan na expression at maya-maya biglang pumasok sa isip nito ang isa sa dalawang babae na kumidap sa kanila.
"Ang tinutukoy mo ba ay iyong isa sa dalawang babae na kumuha sa iyo?" ani ng binata na kinatingin ni Elliseo.
"Nakakatawa diba? Ang laki ng mundo pero nagkatagpo kaming dalawa— iyon ba ang tinatawag na tadhana?" natatawa na sambit ni Elliseo na kinamura ni Creon.
"What the heck are you saying! Paano kung malaman niya na isa ka sa dahilan kung bakit namatay ang fiance at anak niya! Hindi mapapabilang sa miyembro ng black circle ang babaeng iyon kung ordinaryo lang siyang babae!"
"Para kang dumampot ng baril at ginalabit ang gatilyo sa ulo mo," asik ni Creon at tinuro ang sentido niya.
Malaki ang possibility na gumanti si Jeon at sa obssesion ni Elliseo pagdating sa hustisya— base sa pagkakakilala ni Creon sa master niya hindi malayong kayang tapusin ni Elliseo ang sariling buhay para lang sa babae.
"Ano ba talagang plano mo, Master bukod sa mag-suicide?" sarcastic na sambit ni Creon. Para kasi kay Creon pagsu-suicide na ang ginagawa ng master niya— walang matinong tao ang magtatangkang lumapit sa taong gusto siyang patayin.
"Hahanapin natin lahat ng taong nasa likod ng aksidente," sagot ng binata na kinakunot noo ni Creon.
"Pero diba naubos mo na sila? I mean wala ng natira sa miyembro Synoz— tinapos mo na silang lahat," ani ni Creon na may pagtatakha sa mukha.
Pagkatapos ni Elliseo magising galing sa aksidente— wala itong ginawa kung hindi itanong kung nasaan iyong mga taong nasa kotse na nabangga nila.
Then 'nong nalaman nito na walang nakaligtas sa aksidente sobrang nagalit si Elliseo. Ito mismo ang umubos sa grupo ng Synoz at sa edad na 15 umugong ang pangalan nito sa underground matapos pumatay ito ng libo-libong tao hanggang sa mawala ito sa sarili.
Wala itong tinira kahit isa at tuwing naiisip ni Creon ang scenario na iyon nagtataasan ang mga balahibo niya. Nasaksihan niya na ang ganoon na side ni Elliseo at hindi niya na ulit gugustuhing makita pa iyon sa pangalawang pagkakataon.
"May mali sa aksidente na iyon— kailangan ko maalala lahat," ani ni Elliseo bago sinapo ang noo. Nararamdaman ng binata na hindi nagkataon lang lahat na iyon lalo na at miyembro ng black circle ang babae.
Unti-unti bumibigat ang presensya ni Elliseo at magsasalita si Creon nang makarinig sila ng pagbukas ng gate sa garden.
"Villiegas, may dala kaming pizza. Gusto niyo kumain?"
Biglang nawala ang black aura na nakikita ni Creon sa paligid ni Elliseo matapos mag-angat ito ng tingin nang tawagin sila ni Jeon.
"Hindi ko na ito pinalagyan ng cheese at Griffin iyong pizza mo na kay Kale na puro hotdog," ani ni Jeon. Para naman nagpantig ang tenga ng dalawa matapos marinig iyon.
Agad itong mga tumayo at lumapit sa babae— naging paborito na yata ng dalawa ang pagkain ng pizza dahil natikman nila iyon 'nong kasama nila ang dalawang babae.
Hindi sila nakakatikim 'non sa mansyon nila dahil sa reason na masyado silang busy para i-appreciate ang iba't ibang klase ng pagkain.
—
"Wala naman kayong nilagay na lason dito diba?" may pagdududa na tanong ni Creon habang hawak ang kapiraso ng pizza para sa kaniya.
Napatingin naman si Creon kay Elliseo nang walang pag-aalinlangan na nilantakan iyon ng master niya na kina-pokerface ng binata.
"Kahit sino tatamaan ng guilty kung may lalasunin kang ganiyang tao diba?" ani ni Kale na umirap sa kawalan na ang tinutukoy ay si Elliseo.
"Bakit bigla kayong bumait? Nilibre niyo pa kami ng pizza," may pagdududa pa din na tanong ni Creon dahilan para supalpalan na siya ni Kale ng pizza na dinampot niya sa kahon.
"Pwede ba magpasalamat ka na lang na hindi namin kayo naiisipan na ikulong sa basement at ikadena," asik ni Kale. Tiningnan ng babae si Jeon na kasalukuyang nakaupo sa harap ni Elliseo at kasalukuyang nagtitipa sa phone niya.
Palihim pa nitong nilapit ang baso na nasa harapan niya na may laman na tubig matapos masamid si Elliseo.
"Sinabi na lahat sa akin ni Midnight at gusto ni Midnight na makipag-cooperate kami sa inyo para imbestigahan ang tungkol sa copy ng blacklist na kumakalat ngayon sa underground," straight to the point na sambit ni Jeon.
"Hindi ako parte ng organization— wala kayong mapapala sa akin dahil wala akong kontrol sa labas at loob ng organization ng mga Villiegas," sagot ni Elliseo bago tumayo at naglakad paalis.
"Ayaw ni Master masabit sa mga bagay na related sa mafia o sa organization," ani ni Creon na busy sa pagnguya.
"Pero nagbigay na ng permission ang former mafia boss ng mga Villiegas. Pumayag siyang si Mr. Mafia boss ang—"
"Wala tayong magagawa kung ayaw ni master mangialam. Matigas ang ulo ni master at kahit si Mr. Villiegas walang nagagawa doon," putol ni Creon matapos magkibit balikat.
"Siguradong alam din ni Mr.Villiegas na hindi papayag sa ganitong set up si master."
Elliseo Villiegas's POV
Dahil sa mafia nawala ang isa sa mga kapatid ko— dahil sa mafia maraming inosenteng tao ang nadamay at namatay.
Iniyukom ko ang kamao ko at tinungkod ang dalawang braso ko sa gilid ng fountain. Tiningnan ang reflection ko sa tubig hanggang sa pumasok sa isip ko ang mukha ng kakambal ko. Sina mom, dad, Sorenn at Rogue.
Nag-pop din sa isip ko ang nangyari pagkatapos ng aksidente. Pumikit ako ng madiin at pagmulat ko nakita ko sa reflection ng tubig si Jeon.
Nakatayo ito sa likuran ko kaya napalingon ako. Umayos ako ng tayo at umiwas ng tingin.
"Alam ko na isa ka sa dahilan kung bakit nawala ang kapatid ko at si Fred."
Nanlamig ang buong katawan at napako ako sa kinatatayuan ko matapos marinig iyon. Napatingin ako at tinanggal niya ang suot niyang facemask. Kitang-kita ko ang galit sa expression niya na kinayukom ng kamao ko
"Pero tanggap ko ng wala sila at kahit tadtadin kita ngayon ng pino hindi na sila maibabalik. Wala na sila at tangi ko na lang magagawa magsimula ulit at hanapin ang mga tunay na may gawa 'non," bulong ni Jeon. Napatigil ako ng tumulo ang luha niya.
"Malakas ang kutob ko na may nag-set up 'non. Hindi nagkataon lang ang nangyari— gusto ko hanapin ang mga taong iyon at bigyan ng hustisya ang nangyari sa mag-ama ko."
"Tulungan mo ako."
Hindi ko alam pero 'nong nakita ko ang side na iyon ng babaeng nasa harapan ko ngayon— nahanap ko na ang purpose ko sa mundo.
Para akong tangang natawa dahil sa idea na ito na ang dulo. Na-trapped na ako. Hindi ako makapaniwala na makakarating ulit ako sa ganitong punto na wala na naman akong pagpipilian.
"Hindi mo kailangan umiyak— tutulong ako sa abot ng makakaya ko," sagot ko. Pinunasan niya ang pisngi niya at tiningnan niya ako na parang nage-expect pa siyang may iba pa akong sasabihin.
"Hahanapin natin ang mga taong may kinalaman sa pagkamatay ng kapatid at fiance mo," dagdag ko bago nilagay ang mga kamay ko sa bulsa at ngumiti.
"Sa ngayon iyon lang ang magagawa ko para sa iyo," ani ko. Ako ang dahilan kung bakit nagdudusa at gumulo ang buhay ngayon ni Jeon.
Ito lang ang tanging magagawa ko para makabawi at sa kung paraan na ito mapapanatag ang loob ko. Hindi na masama kung sa paraan na ito mahahanap ko ang sarili ko.