Chapter 28 3rd Person's POV "Malaki na sina Cole at Cosmo," komento ni Jullian habang nakatingin sa dalawang batang lalaki na nakikipagkulitan sa mga pinsan. "Mahirap magpalaki ng anak pero masaya. Sa tingin mo matutuwa si Lindsay kapag nakita sila?" ani ni Elija bago tiningnan si Jullian na sandaling napatigil. "Y-Yeah, siguradong matutuwa si ate once na makita niya sina Cole," bulong ni Jullian. "Cole, put it down. Madumi iyan," ani ni Elija bago tinungo ang dining table at inalis ang karton na dapat isusubo ni Cole. "Darn it, nagi-guilty na ako," bulong ni Jullian at napasapo sa noo. "Kailan ka ba gigising ate— maraming naghihintay sa iyo," dagdag ni Jullian na puno ng pag-aalala. — "It's been a two years, Lindsay. Wala ka bang balak bumalik kasama ang mga anak mo?" tanon