Chapter 03 3rd Person's POV Gumuho ang isang napakalaking building matapos iyon sumabog— hinagis-hagis ni Elija sa ere ang hawak na may berdeng amulet. Sa paanan nito ang isang matandang halos hindi na makilala dahil sa pagkakabasag ni Elija sa mukha nito. "Ano kayang ginawa mo sa kapatid ko para ipadala ka ng buhay sa kaniya?" tanong ni Elija matapos yumuko at hilahin ang buhok ng matanda. Winasak niya ng buong building matapos kuhanin ang amulet at dalhin ang matanda sa labas. Kilala itong isang drug dealer— isa sa mga opisyal ng gobyerno at dahil wala pang permiso si Rogue sa kasalukuyang mafia boss ng mga Villiegas kailangan nito ng tulong ni Elija. Binigay ni Rogue ang mga nakalap niya na impormasyon kay Elija at hinayaan itong kumilos. Minura ito ng matanda dahilan para t