Chapter 41 3rd Person's POV Pumayag na ang mga bata na umalis sina Jeon. Ngunit kinailangan nina Elliseo mangako na babalik sa kanila ng mga ito ng safe. Matapos makatulog ang mga bata kinausap nina Elliseo ang ina. Yumakap si Elliseo sa ginang na kinangiti ng babae. "Sige na— umalis na kayo. Kami na bahala sa mga anak niyo. Mag-ingat kayo," ani ni ng ginang sa anak. Humalik si Jeon sa pisngi ng ginang at yumakap para magpaalam. Sa kalagitnaan ng gabi umalis na ang mag-asawa. Tiningnan ni Sylvia si Rogue na kasalukuyang nakaupo sa sofa at hindi 'man lang tinapunan ng tingin ang mga kapatid. "At ikaw na bata ka bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Sylvia sa bunso na kasalukuyang nakatingin sa kawalan. "Mom, posible ba na buhay si kuya Inigo?" tanong ni Rogue sa ina. Napatigil