Chapter 39 3rd Person's POV Nang oras na iyon pumasok sa isip ni Elgod si Jeon at Elliseo. Ang buong pamilya ng mga Villiegas at mga kapatid. "Kuya!" sigaw nina Elias nang gumalaw si Elgod at binunot ang bakal na kinasigaw ni Elgod sa sakit. "Lalabas t-tayo— hahanapin natin sina mama," bulong ni Elgod. Binitbit niya ang dalawa— hindi niya ininda ang hapdi, sakit at init habang tinatakbo niya ang daan patungo sa pintuan na kasalukuyang nagliliyab. Sinipa ni Elgos ang pintuan gamit ang wala niyang sugat na paa. Muntikan pa siyang matumba kung hindi nito pinuwersa ang sarili niya at tumakbo palabas— nakita niya si Rogue na napapalibutan ng mga patay na tao— sa likod nito sina Morisad at Moriette na nakaupo, nakayuko at nakatakip ang mukha. Iyak ang mga ito ng iyak habang tinatawag a