Chapter 04
3rd Person's POV
Nakarating sina Elliseo at Jeon sa inaakupahang appartment ng dalaga. Pagkabukas ng pinto bumungad kay Elliseo ang may kalakihan na sala at isang kwarto.
Lumapit si Elliseo sa sofa at ginala ang paningin sa apartment. Maya-maya tumunog ang phone ni Jeon— tumalikod ang babae at sinagot ang tawag.
"Crimson! Anong nangyari!" bulyaw ni Kale sa kabilang linya. Nailayo ni Jeon ang phone sa tenga matapos siya bulyawan ng babae.
"Nasa apartment ko na kami ngayon— pagkatapos mo diyan bumalik ka na dito," ani ni Jeon habang hinihilot ang sentido. Pinatay nito ang tawag bago pa makapagsalita ulit ang babae sa kabilang linya.
"Siguradong hindi kayo titigilan ng kapatid ko kung hindi niyo pa ako papakawalan."
"At sa tingin mo natatakot ako?" banat ni Jeon bago tiningnan ang binata na nakaupo sa sofa. Hindi ito nakatingin sa kaniya— nang makita ni Jeon ang tinitingnan ng binata, lumapit si Jeon sa estante na nasa harapan ni Elliseo at tinaob ang picture frame.
"May anak ka pala at asawa," ani ni Elliseo. Parang nabato si Jeon matapos marinig iyon galing sa bibig ng binata— sa isang iglap nasa harapan na ni Elisseo si Jeon at madilim ang mukhang hinablot ang leeg ng binata.
Madiin na hinawakan iyon ni Jeon na kinasinghap ni Elliseo. Hinawakan ni Elliseo ang kamay ni Jeon na nasa leeg niya pero hindi iyon tinangkang tanggalin ni Elliseo.
"Wala kang karapatan na sabihin ang mga katagang iyan lalo na galing sa bibig mo. Wala kang karapatan!" bulyaw ni Jeon. Biglang bumukas ang pinto — tumakbo palapit ang dalagang nakasuot din ng maskara at tinulak palayo si Jeon.
"Crimson! Anong ginagawa mo!" bulyaw ni Kale. Sunod-sunod ang naging pag-ubo ni Elliseo habang hawak ang leeg niya.
Nilapitan ni Kale ang binata at nagulat si Kale matapos makitang dumudugo ang leeg ni Elliseo.
"Holyshit!" mura ng dalaga bago mabilis na tinungo ang kusina at hinanap ang first aid kita.
Bumaon ang kuko ni Jeon sa leeg ng binata at ngayon ay dumudugo iyon. Dinala ni Kale ang lalagyan sa sala at agad inayos ang upo ni Elliseo na kasalukuyang hinahabol ang hininga.
Nilinisan ni Kale ang sugat sa leeg ni Elliseo at binendahan iyon. Matapos gamutin ni Kale ang leeg ni Elliseo tiningnan ng dalaga si Jeon. Tumayo ang babae at hinila si Jeon papasok ng kwarto.
"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo Jeon? Sisirain mo ba talaga ang tiwala sa iyo nina Midnight," may diin na sambit ni Kale sa babae matapoa tanggalin nito ang sariling maskara at tingnan ng masama si Jeon.
"Hindi mo ako naiintindihan dahil wala ka sa sitwasyon ko Kale. Iniisip ko pa lang na parehong hangin ang nilalanghap naming dalawa nagdidilim na ang paningin ko. Gusto ko siyang patayin sa paraan kung paano namatay ang mag-ama ko!" bulyaw ni Jeon kay Kale. May suot itong maskara pero kitang-kitang pa din ni Kale ang galit sa expression nito dahil sa mga tingin nito sa kaniya. Imbis magsalita— huminga ng malalim si Kale at hinawakan ang balikat ng babae.
"Jeon, pinagkatiwala sa atin ito ni Midnight— Jeon si Midnight ang nagbigay ng mission na ito at pinagkatiwala niya ito sa iyo. Mahirap ang mission na ito para sa iyo at hindi ibibigay ni Midnight ang mission na ito kung hindi mo kaya."
"Huwag mong sirain ang tiwala sa iyo ng grupo— parte ka ng black circle, Jeon ikaw si Crimson," dagdag ni Kale na may pag-aalalang expression.
"Hindi lang ang mga Villiegas ang humahabol sa atin ngayon pati ang ibang organization galing sa underground— hindi ko alam kung paano kumalat ang about sa black list pero lahat interesado doon at ngayon hinahanap nila ang mafia boss ng nga Villiegas."
"Kung sino 'man ang nga nasa black list siguradong sila ang mga nag-hire sa mga grupong huma-hunting sa mafia boss. Gusto nila makuha ang blacklist."
Hindi umimik si Jeon. Tinapik ni Kale ang balikat ng babae.
"Kailangan natin dalhin ang mafia boss sa mas safe na lugar at the same time itago," ani ni Kale. Mukhang mahihirapan sila sa mission lalo na at binilin sa kanila ni Midnight na huwag sasaktan ang mafia boss o papatayin.
Sinapo ni Kale ang noo matapos ma-realize na malaking kalokohan ang mission na iyon. Hindi niya maintindihan ang takbo ng utak ng pinuno nila pero malinaw pa sa sinag ng araw na may motibo ang pinuno nila sa sitwasyon na iyon at sa mission.
Matapos makapag-usap ang dalawa at makagawa ng plano. Lumabas na sila ng kwarto— napa-pokerface si Kale matapos makitang natutulog si Elliseo sa sofa.
"Ganiyan ba ang lahat ng mafia boss? Walang sense of awareness? Muntikan mo na siya mapatay pero nagawa pa din matulog ng taong iyan," komento ni Kale matapos makitang mukhang malalim ang tulog ng lalaki.
"Jeon!" sigaw ni Kale matapos makitang buhusan ni Jeon ng tubig ang mafia boss. Napabalikwas si Elliseo matapos makaramdam ng lamig nang buhusan siya ni Jeon ng isang timbang tubig.
"Walang may sabi sa iyong matulog ka lang dito. Baka nakakalimutan mo kinidnap ka lang namin," ask ni Jeon sa lalaki. Napasapo si Kale sa noo sa idea na nakakaramdam siya ng awa sa mafia boss.
Basang-basa ang lalaki pati na din ang mahaba nitong buhok na parang hindi sinuklayan ng ilang taon. Nag-angat ng tingin si Elliseo at dahil basa ang buhok ng bibata bahagyang nahawi ang buhok ng lalaki— nagtama ang mata nila ni Jeon.
Nakaramdam ng panlalamig si Jeon at pagtaasan ng balahibo niya matapos makita ang tingin sa kaniya ni Elliseo.
"Sorry," bulong ni Elliseo. Palihim na nagpasalamat si Jeon dahil nakasuot siya ng maskara dahil kunh hindi makikita ng binata ang ilang segundong pagdaan ng takot sa mukha niya.
Hindi na mapagkakaila ni Jeon na isa nga ito sa tagapagmana ng mga Villiegas at isa si Elliseo na mafia boss. Iniyukom ni Jeon ang kamao sa idea na minamaliit sila ng mafia boss— sa nakatago nitong presensya malakas ang kutob ni Jeon na apat o lima sa black circle ang kaya nitong tapatan ng sabay-sabay pero hindi ito tumatangka na tumakas o lumaban.
Sa idea na minamaliit siya ng mafia boss mas lalong nagpuyos sa galit ang dalaga. Kalaunan sa side naman ni Elliseo— nag-iisip ang binata kung paano siya makakapagpalit ngayong basa na siya.
"Mr. Villiegas mas mabuti pa maligo ka na. Walang mag-aalaga sa iyo kapag nagkasakit ka," ani ni Kale na naka-cross arm. Tumayo si Elliseo mula sa pagkakaupo sa sofa at tiningnan si Kale na parang nagtatanong kung nasaan ang bathroom.
Tinuro ng dalaga ang pinto na malapit lang sa kusina. Tinungo iyon ng binata at walang salitang pumasok.
"Masyado kang harsh, Jeon."
"Anong sinasabi mo? Isa sa target natin si Villiegas at tayo ang abductor— hindi natin bisita ang taong iyon," asik ni Jeon kay Kale. Tiningnan siya ng dalaga.
"Pero iba ang sitwasyon ng mafia boss na iyon sa mga dati nating target— Crimson bahala ka nga," ani ni Kale na parang nagsawa na kasasaway sa kaibigan. Napakamot ang babae sa ulo.
"Bibilhan ko ng masusuot na damit si Mr. mafia boss— Jeon, umayos ka. Alalahanin mo ang mission at ano ang tunay na pakay natin dito," bilin ni Kale matapos duruin ang babae na kinairap ni Jeon sa kawalan.
Maya-maya ng makaalis ang babae pumasok si Jeon sa kwarto niya. Susubukan niyang hanapan ng masusuot ang binata.
Pasalamat na lang si Jeon na mas matangkad siya sa mafia boss ng ilang pulgada at may pajama at t-shirt siya na sakto sa binata.
Normal lang ang height ni Elliseo para sa isang lalaki pero hindi normal ang tangkad ni Jeon dahil may lahi ang dalaga— masyadong matangkad si Jeon kung ikukumpara mo sa ibang babae kung kaya maraming agency ang kumukuha sa babae. Bukod sa napaka-perfect ng figure nito, may magandang mukha ay matangkad din ito at papasang super model.
Dahil dito sikat ang babae sa iba't ibang bansa— bukod sa pagiging member ng black circle ay isa din itong model at tinagurian rising artist ng 21st century.
Lumabas si Jeon matapos makakuha ng mga damit na kakasya sa mafia boss— pinili niya iyong mga damit na halos isang beses lang niya sinuot at binigay sa kaniya ng agency bilang remembrance.
Naglakad na ang dalaga palabas ng kwarto at pagbukas niya ng pinto nakita niya si Elliseo na nakaupo sa sofa. Napatigil ang babae at napako sa katawan ni Elliseo na puno ng tattoo.
Bukod sa tattoo naaninag din ng dalaga ang ilan pang marka na mukhang peklat galing sa latigo at saksak galing sa kutsilyo. Nakikita niya iyon at mukhang iyon ang mga tinatakpan ng mga tattoo.
Napatingin si Elliseo kaya napaiwas ng tingin si Jeon at umarteng walang nangyari. Tanging maliit na tuwalya lang ang nakatakip sa pang-ibabang katawan ni Elliseo at ng tumayo ang lalaki kitang-kira ni Jeon ang perpektong build ng binata.
May apat itong abs kahit hindi batak ang katawan nito katulad ng mga lalaking laging nasa gymn para magpalaki ng katawan.
Hindi din maikumpara ni Jeon ang katawan ng lalaki sa mga katrabaho niya na mga pang-international model din dahil kumpara sa mga ito sobrang perfect ng build ng katawan ni Elliseo. Sexy type ang dating.
Gusto yata sapakin ni Jeon ang sarili dahil sa biglang pagkukumpara ng dalaga sa pagitan ni Elliseo at mga pang-international model ma mga katrabaho niya dahil sa katawan ni Elliseo and worst— sinabi niya pang sexy ang mafia boss.
Hinampas ni Jeon ang mga damit na hawak sa katawan ng binata nang makalapit ito sa kaniya dahil sa frustration.
Tinalikuran niya ang binata at naiinis na pumasok muli sa kwarto. Binagsak nito ang pinto at iniwan si Elliseo sa labas ng pintuan.
Nanatiling nakatayo ang binata habang hawak ang mga damit at may nagtatakhang expression.
Tinungo ni Elliseo ang bathroom at pumasok. Hindi alam ni Elliseo kung ano ire-react matapos makita ang mga damit na binigay sa kaniya ng babae. Pajama na gray, panloob na may drawing na bugs bunny at pink na oversized t-shirt.
Bumuga ng hangin si Elliseo at sinuot ang mga damit. Napangiwi si Elliseo tapos madali ang sugat niya na may benda sa likod mg ulo niya.
Nabasa din iyon— kaya niyang palitan ang benda pero hindi niya malilinis nag sugat niya.
"Hoy! Maligo ka ng maayos tanggalin mo ang benda mo! At pwede ba maggupit ka at mag-ahit ng balbas mo kung ayaw mong ako mismo kumalbo sa iyo!" bulyaw ni Jeon mula sa kabilang bahagi ng pintuan matapos kalampagin iyon.
Napatingin si Elliseo sa salamin na loob ng bathroom. Tiningnan niya ang sarili at doon napansin niyang sobrang haba na nga ng buhok at balbas niya.
Ganoon na itsyura niya matapos siya makalabas ng kulungan at dahil wala naman talaga siya pakialam siya tyura niya hindi niya na pinag-tuunan pa ng pansin iyon. Hinawakan ni Elliseo ang likod ng ulo kung nasaan may benda.
Tatagal ang paggaling ng ulo niya kung hindi niya pa puputulan ang buhok niya. Lumapit si Elliseo sa salamin matapos magbihis. Kinuha nito ang gunting nasa isa sa mga lalagyan at sinumulan niya ng gupitan ang buhok.
Gusot ang mukha ni Jeon habang nakaupo sa sofa at hinihintay ang binata na halos 40 minutes na din nasa bathroom.
Hindi siya sanay na maghintay at mag-iisang oras na ang lalaki sa bathroom. Tumayo ang babae at lumapit sa pintuan ng bathroom.
Kakatukin niya ulit ang bathroom nang bumukas iyon. Nabitin sa ere ang kamay ni Jeon at napatingin sa binata na may kakaibang kulay ng mata— makapal na kilay, pointed nose at perfect jawline.
Literal na napaawang ang labi ni Jeon mula sa likod ng maskara matapos makita ang mukha ng binata sa makapal nitong buhok kanina.
"Sorry, natagalan ako sa bathroom— nahirapan ako tanggalin ang benda," medyo rusky na sambit ng binata. Umatras ang babae matapos siya magising mula sa pagkakatulala sa binata.
Gumusot din ang mukha ni Jeon matapos maalalang nasa harapan niya ang killer na pumatay sa anak niya at fiance.
"Pumunta ka sana sofa. Lilinisin ko ang sugat mo," malamig na sambit ni Jeon habang nakayukom ang kamao.
Hindi umimik si Elliseo at lumapit sa sofa. Umupo siya doon at hinintay ang babae. Lumapit na si Jeon sa direksyon ng binata at nilabas niya ang mga kailangan niyang first aid kit.
Nagsimula ng gamutin ni Jeon ang likod ng ulo ni Elliseo. Tahimik lang ang dalawa— hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok si Kale na may dalang mga paper bag.
"Crimson! Nandito na ang— holy molly! Sino iyan Jeon! Nasaan iyong ermitanyong mafia boss!" bulyaw ni Kale na kinangiwi nina Elliseo at Jeon. Nag-echo kasi iyon at umikot sa apat na sulok ng living room.
Lumapit si Kale at tiningnan si Elliseo. Nilapit pa ni Kale ang mukha nito kay Elliseo na agad naman tinulak ni Jeon ang mukha ng dalaga.
"What the f**k are you doing Kale?" kunot noong tanong ni Jeon. Hindi alam ni Elliseo kung anong ire-react dahil nakasuot ang dalawa ng maskara— halatang tinatago ng mga ito ang identity nila pero may lakas ng loob ang mga ito na magsabi ng tunay nilang mga pangalan.
Hindi makapaniwala ang binatang dalawa ang mga babaeng nasa harap niya ay miyembro ng black circle na mga professional hitman at killer ma kinatatakutan ng mga nakakataas sa underground society.