Chapter 30 3rd Person's POV Sinabi ng matandang Montessori lahat ng nangyari pati na din ang pagkulong mga Villiegas sa kaniya sa isang isla— hindi naman iyon masama sabi ng matandang Montessori— maganda daw ang lugar na iyon at tahimik. Sinabi din ng matanda na inutusan ni Elliseo ang tatlong Mendez na itakas siya at dalhin ito sa bahay ng pamangkin niya. "Halatang mahal na mahal ka ng binatang iyon iha. Naalala ko sa kaniya ang ama mo," bulong ng matanda bago nilingon si Elliseo na kasalukuyang kausap si Creon. "Iba si dad at si Elliseo— siguro nga ginagawa ni dad lahat para kay mommy. Binuwis niya ang buhay niya para sa amin ni mommy— pero si Elliseo. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon sa kaniya— kung sakaling maulit iyon, uncle—" Tiningnan ng matanda si Jeon. Ngumiti ang dalag