Chapter 37 3rd Person's POV Nanatiling nakapamulsahan si Elgod habang nakatayo sa harap ng isang lumang bench at sa likod nito— isang malaking puno. Lahat ng estudyante at kahit mga teacher napapalingon sa napaka-gwapong binata— araw-araw kasi ito nandoon sa parehong oras at pwesto. Parang lagi itong may hinihintay sa lugar na iyon. Bumuga ng hangin si Elgod at tumingala. Ilang taon na siyang naghihintay doon pero hindi niya pa din nakikita ang batang lalaki na lagi niyang pinupuntahan doon dati. Humigi na din siya ng tulong kay Rogue para hanapin ang bata pero kahit ito walang maibigay sa kaniya na impormasyon. Sa hindi kalayuan may nakatayo na babae. Nakasuot ito ng hood at may malaking hiwa sa mukha. Nakapako ang tingin nito kay Elgod na kasalukuyang nakatingala at nakapikit.