Chapter 24 3rd Person's POV Kinagabihan, Nagising si Elija matapos may maramdaman siyang humahalik sa leeg niya. Pagmulat niya ng mata nakita niya si Lindsay na nakapatong sa kaniya. "Good evening sleepy head," nakangisi na sambit ni Lindsay. Kinusot ni Elija ang mata at casual na tiningnan ang babae sa ibabaw niya. "Lindsay," ani ni Elija. Kumunot ang noo ni Lindsay at sinapo ang noo ni Elija. "Nilalagnat ka. Ayos ka lang ba?" ani ni Lindsay bago umayos ng upo. Hinawakan ni Elija ang noo niya at tiningnan si Lindsay. "Konting pahinga lang ito," sagot ni Elija. Tumayo si Lindsay at hinila ang comforter. "Dito ka lang kukuha ako ng pagkain sa baba at gamot," ani ni Lindsay. Aalis ang dalaga nang hilahin siya ni Elija pahiga at yakapin. "Ayos nga lang ako. Gusto ko lang magpa