Claire’s
I looked at the clock mounted on the wall. It’s already five in the morning and I still haven’t got a good sleep since last night. Wala si Niu dahil may convention daw itong dadaluhan sa Palawan. It should have been one of the reasons to have a good sleep, dahil wala ang asawa ko at wala akong katabi. But knowing that Sebastian didn’t go home last night bothers the hell out of me.
Marahas akong bumuntong hininga at bumangon, hindi rin naman ako makakatulog pa dahil malapit nang mag-umaga. It’s Sunday and the shop is closed so I have all day to stay here in the house, or maybe I’ll hit the gym later this afternoon.
Naghilamos ako at nag-toothbrush bago bumaba para mag-agahan, kahit na wala akong gana dahil puyat ako.
Tahimik ang buong kabahayan nang makababa ako. Walang maingay na music galing sa gym ng bahay. Nasanay na akong makarinig ng hard core music simula noong dumating si Sebastian, he played those songs while he’s in the gym. Dapat ay may ingay ngayon lalo na’t Linggo at walang pasok sa opisina. Hindi talaga umuwi ang kumag na iyon.
Nakapagtatakang hindi dito natulog ang isang iyon. He never missed a night here ever since he arrived, and he always calls whenever he goes home late.
Nasaan kaya iyon? Did he have an overtime? Pero imposible naman mag-o-over time ang isang iyon, he always makes time to rest during weekends. Worry crept into my veins as I thought of the worst scenarios.
Napailing ako at tumuloy na sa kusina. Naabutan ko si manang Lucing na naghahanda para sa agahan. Matagal nang naninilbihang si manang sa mga Altamirano, at simula nang maikasal kami ni Niu ay dito na siya.
“Good morning po, manang,” I greeted her. She was shocked to see me.
“Aba, ang aga mo ‘yata ngayon, hija?” nagtataka niyang tanong. I just smiled at her and opened the fridge to get some water.
“May design kasi akong ginawa ngayon, medyo hindi ako nakatulog kakaisip,” sagot ko sa kanya. Hindi ko sinabi ang totoong dahilan ng pagkapuyat ko. I’m sure she’ll be scandalized if I tell her I’m bothered because Sebastian was not her.
“Gano’n ba? O sige, maupo na ka na d’yan at ito’y malapit nang maluto.” Pinagpatuloy niya ang ginagawa.
Tumango ako at naupo sa stool sa kitchen counter. Tinignan ko lang si manang habang nagluluto, naisip kong tanungin siya kung umuwi ba si Sebastian kagabi.
“Ahh, manang umuwi po ba si Seb kagabi?” maingat na tanong ko sa kanya. I don’t want to sound so curious kaya hindi ko siya tinignan nang tanungin ko siya, nasa bottled water lang ang tingin ko.
“Naku, ang batang ‘yon hindi umuwi kagabi,” sagot niya.
“Sigurado po kayo?” paninigurado kong tanong sa kanya.
“Aba’y, oo. Ako ang huling pumasok kagabi, hindi ko nakita ‘yong kotse niya sa garahe. Wala ring tumawag sa akin para buksan ang pinto,” paliwanag nito.
“Ganu’n po ba, kaya pala walang malakas na sounds sa gym,” mahinang saad ko.
Saan kaya natulog ang isang iyon? Baka naman may masamang nangyari doon kaya hindi nakauwi? Bigla akong kinabahan sa naisip. What if he got into an accident while on his way here?
“May tumawag po ba kagabi?” tanong ko ulit kay manang Lucing. Tapos na siyang magluto at inihain na niya sa mesa ang pagkain. Fried rice, hotdogs, scrambled eggs, tapa at ang salad ko.
“Wala naman, hija. Bakit? May inaasahan ka bang tawag?” she placed my salad on the table with my green smoothie. Alam na ni manang Lucing kung ano ang mga kinakain ko kaya siya na rin ang nag-boluntayong maghanda ng mga ito. I usually don’t eat heavy every meal, puro salad, smoothie, fruits at lean meat ang kinakain ko.
“Wala naman po,” sagot ko sa kanya. Hindi na ako nagtanong pa dahil baka masyado nang halata kapag nagnulit pa ako.
Mabilis kong inubos ang pagkain at pumahik sa itaas para magbihis. I wanted to swim to ease out the tension I’m feeling. Masyado ko na yatang inisip ang kumag na ‘yon at ngayon naman pinag-alala pa ako.
I just hated it because it never bothers me kapag si Niu ang hindi umuwi, which he does occasionally. I don’t even question where he sleeps. Nakakinis lang kasi iba itong naramdaman ko kay Sebastian.
I changed into a two-piece red bikini. Swimming helps me release the stress every time I’m feeling stressed especially when I’m so burned up during those times in the competitions. Mas nakakapag-isip ako kapag nararamdaman ko ang lamig ng tubig. It’s not just a hobby for me, it’s one of my ways to relax.
Many don’t know about this but I love beaches. I always find time to go alone and have the freedom to swim and relax without the prying eyes of the media. Madalas ay gusto kong mapag-isa kaya nagpupunta ako sa mga beaches na hindi gaanong sikat.
Pinikit ko ang mga mata at hinayaang lumutang ang katawan ko sa tubig. The sun’s rays kissed my body and I love how its heat and the coldness of the water mixed on my skin. Humugot ako ng malalim na hininga at bumaliktad. I let my back received the sun’s early heat, hindi pa masakit sa balat dahil maaga pa.
I closed my eyes and just let my body float and spread my arms and legs. I emptied my mind of all the problems and issues I’ve been dealing with for the past few weeks. I wanted to escape just for a moment.
I want to think of nothing. Nakak-drain ang mga issue ko sa buhay ngayon. My arranged marriage with Niu, him wanting an heir, my in-laws demanding a grandchild, my parents, and Sebastian.
“Hija, nandito ang secretary ni Sebastian, may pinapakuha raw na mga gamit.”
I was snapped back to reality when I heard manang’s voice. Agad akong umahon sa swimming pool at kinuha ang towel na nakalagay sa lounger and dried myself. Sinuot ko muna ang roba bago nagpunta sa receiving area.
Agad kong nilapitan ang sinasabi ni manang na secretary ni Seb. Natigilan ako nang makalapit sa kanya, Sebastian’s secretary doesn’t look like a typical secretary. With her long legs and slender body, she could pass as Victoria’s Secret angel.
Tumaas ang kilay ko nang makita ang kabuohan ng mukha niya.
Agad siyang tumayo ng matuwid nang makita akong papalapit sa kanya. Hindi nakatakas sa akin ang bahagyang pagtaas ng kilay nito sa akin at pasimpleng hinagod ng tingin ang itsura ko. Biglang naging pormal ang kanyang mukha nang makitang nakatingin ako sa kanya.
I can sense a b***h when I see one, and this one is good in hiding it.
“Good morning, ma’am. I’m Cherry, secretary po ako ni Mr. Altamirano. He asked me to fetched some things, he has a meeting an hour from now and he needs those files for the meeting,” saad nito. Pormal na pormal ang dating.
Nasa opisina na pala ang isang iyon? Saan ‘yon natulog? Sa office?
“Bakit? Nasaan ba ‘yang amo mo? Hindi ‘yon umuwi kagabi. Sa office ‘yon natulog?” naiirita kong tanong. Humalukipkip ako at hinintay ang kanyang sagot. Hindi ko maiwasang mainis. May ideya na ako kung bakit hindi siya nakuwi kagabi. Men and their dirty deeds.
Pero agad naman akong natigilan dahil sa inasta ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Umayos ka nga, Claire!
You’re acting like a jealous wife, for chrissake!
Tandaan mo, si Niu ang asawa mo, hindi si Sebastian!
“Nasa opisina na po, ma’am,” she answered me with a stoic expression.
“Doon siya natulog? Tanong ko pa.
Damn it, Claire!
Just stop!
Umiling ito. “Sa Spartan po, I’m guessing Mr. Altamirano was too drunk last night to drive home.” sagot niya.
“Manang, lead her to Sebastian’s room.”
Hindi ko na siya tinignan at tuloy-tuloy na umakyat sa kwarto ko. Painis na hinubad ko ang swim suit at tinitigan ang hubad kong katawan sa salamin. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Cherry kanina. He was drunk last night to drive himself home. Doon na siya natulog sa club ni Andrei. I know that man, he’s a certified manwhore, and I know his club, I heard so much about that club.