Claire’s Mabilis ang ginawa kong pagbihis at nagmamadaling bumaba. Nandito raw ang mga magulang ni Sebastian. God, this is making me nervous. Nakakahiya na kaka-divorce lang namin ni Niu at nalaman nilang may relasyon na kami ni Sebastian kahit na hindi pa kami hiwalay ni Niu noon. Ano na lang ang sasabihin nila? Na pinaglaruan ko ang mga anak nila? I looked at my reflection at the mirror. Huminga ako ng malalim, pinapakalma ang sarili. Maayos naman ang itsura ko pero wala akong lakas ng loob para lumabas at harapin sila. Natatakot ako. I can do this. I can do this. I can do this. Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago nagkaroon ng sapat na lakas na loob para bumaba. Bahala na, kakapal ko na ang mukha ko. Nandito rin naman ito. Maingay. Nagtatawanan. Maraming tao. Diyos ko! S

