Claire’s “Ito ma’am Claire tikman niyo po ito, ang sasarap po ng mga mangga namin dito, pang iksport kwaliti!” Proud na proud na saad ni Eloy, ang batang anak ni mang Nestor, isa sa mga tauhan dito sa farm. Ngumiti ako sa kaniya at kinuha ang isang plato na puno ng hiniwang mga mangga, napalunok ako dahil nakakatakam iyon tingnan. Maliban sa mga mangga ay may puno rin ng niyog at saging. Kanina pagdating namin ay gumawa ng buko juice si manang Belen, ibang-iba ang lasa no’n sa mga buko juice na natitikman ko sa Maynila. Mas masarap at malinamnam ang gawa ni manang, siguro dahil iyon sa mga sangkap, natural na buko ang gamit at hindi iyon mga artificial flavoring lang. “Salamat,” saad ko. Agad na nilantakan ko ang mangga, napapikit ako sa tamis at sarap no’n. Nasa isang kubo