Claire's
Nakagat ko ang mga labi habang nakangiting nakatingin sa kawalan. The other night was total bliss, and I can't help but smile when my mind wandered to the part where Seb was so sweet, and honestly, it felt so right having me in his arms. The warmth of his embrace gave me security and assurance. Kahit wala siyang sinabi na gano'n ay ramdam ko iyon sa mga haplos at yakap niya sa akin. It somehow made me think that I could lean on him whenever things would go down south, that he could save me when things wouldn't go in my favor.
Mayroong mainit na kamay na humaplos sa puso ko sa tuwing naiisip kong mayroon ngang nararamdaman si Seb sa akin, alam kong hindi lang ito tawag ng laman. It's more than just physical and s****l attraction, it's deeper than that, and I know he felt how connected we are when we're together.
Those illegal butterflies who have the nerve to reside inside my stomach began twitching and rumbling, I felt giddy whenever I remembered how he kissed me with those lips. Iba siya humalik sa mga naging boyfriend ko noon. His kisses were warm and hot at the same time. Parang palaging nagtitimpi pero kalaunan ay nagiging agresibo na rin.
Gosh, Claire, you're like a teenager who had seen her first crush on the first day of class! Kaloka ka! May pa-giddy ka pang nalalaman, ang landi mo!
"Hoy! Para kang timang d'yan, nangingiti mag-isa!"
I was snapped back to reality when Kate's annoying voice disturbed me. Natatawa itong lumapit sa table ko inilapag ang isang tasang kape. She has this smug smile plastered on her face like she's been mockingly laughing at me inside her mind.
I glared at her but laugh when I realized she's not buying any of my acts.
"You look stupid smiling to yourself. Alam kong masaya sa dahil kay papi Seb, but girl, let me remind you, in case you forgot, you're still married to his brother. You still need to fix that," seryoso nitong pahayag.
"Alam ko 'yun, hindi ko puwedeng kalimutan 'yun, but let me just enjoy this, okay? Panira ka ng moment, e," nakasimangot kong sabi.
Now I realized how wrong it was to let my parents decide for my marriage. Kung nanindigan ako noon at hindi pumayag sa kagustuhan nilang na magpakasal kay Niu ay siguro wala ako dito ngayon. Sebastian and I would be free, and the world will not judge us. Hindi sana ako mangangamba na mahusgahan ng mga taong makakaalam ng relasyon namin. Hindi pa man namin ito napag-usapan ay alam ko na kahinatnan ng lahat ng ito. It will be a huge scandal, especially that Sebastian is a known businessman.
Napabuntong-hininga ako at nahahapong isinandal ang likod ko sa backrest ng swivel chair. That little bubble of happiness was popped into thin air now that Kate had reminded me of the fact that I am still married to Niu. Aside from my parents, I'm afraid of hurting Niu's feelings if he finds out about Seb and I.
"Ngayon ang dating ng mga bagong furniture for the second branch, pinaderitso ko na doon lahat ng deliveries. Pupuntahan ba natin 'yon ngayon o bukas na lang?"
Tumango ako. We'll be opening our second branch next month, and to be honest, this branch has helped me a lot. At least, I can say that this is one of the few things na maipagmamalaki ko.
"Bukas na lang siguro, I still need to finish reviewing all these designs para ma-forward na ang mga ito sa goldsmith, ang daming pending." I sipped the coffee and I nearly closed my eyes. Ang sarap talaga gumawa ng kape ng isang 'to. Maybe I'll find time to practice how to make coffee.
"I forgot to tell you, ngayon darating ang mga stones na request ni Veka, I already contacted the courier and they'll standby for the shipment to arrive." Mahabang paliwanag ni Kate habang nag-scan sa tablet na hawak niya.
"Thanks, Kate," I sincerely told her, "for always being there for me, sa business man o sa mga personal issues ko sa buhay, you're always there to support me,"
Umirap lang ito sa akin. Natawa ako, Kate doesn't like too much drama.
"Wala 'yon, pakialamera lang talaga ako kaya palagi akong nakikialam sa mga issues mo sa buhay pati ang lovelife mo."maarte nitong sabi sabay taas pa ng kilay.
Napailing na lang ako pero nangiti na rin. At least, I have a friend that I can lean on and someone I can tell my secrets with without the worry of being judged. I know all of my secrets are safe with Kate.
ibinuhos ko ang atensyon sa mga paperworks na kailangan tapusin, tambak na ang mga ito at kapag hindi ko ito tatapusin ay talagang ma-di-delayed kami sa production. Approaching pa naman ang December, at kailangan pa namin ng mga bagong designs para sa opening ng branch. Napapabayaan ko ito dahil sa mga nangyari noong mga nakaraang buwan, dumagdag pa si Sebastian na palaging nagpapagulo ng isip ko.
"Maam Claire, may package po para sa inyo." Bumungad si Donnie na dala-dala ang isang maliit na kahon.
Napakunot ang noo ko.
"Kanino galing 'yan, Donnie?" I asked him.
Sinuri ni Donnie ang kahon, tiningnan nito ang bawat gilid bago tumingin sa akin at umiling.
"Wala pong nakalagay kung kanino galing, ma'am Claire. Inabot lang ito ng isang lalaki sa guard sa labas, hindi rin sinabi kung kanino galing at hindi rin nagpakilala," pahayag ni Donnie.
"Paki-lagay na lang dito sa mesa, Donnie. Salamat." Tinuro ko ang lames. Lumapit ito dala ang maliit na package.
"Okay, po." Nilagay ni Donnie ang kahon sa harapan ng mesa ko at nagpaalam na lumabas. Tinanguan ko siya bago itinuon ang pansin sa package.
Kinuha ko ito at sinuri, wala ngang nakalagay na kahit anong sulat kung kanino ito galing, wala ring address na nakalagay. Nakapagtataka naman.
Wala naman akong inaasahan na darating na package na para sa akin. Lahat ng expected shipments ay para sa branch opening at hindi dito naka-address ang mga iyon.
Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi. Paano kung bomba pala ito? Biglang dinumbol ng kaba ang aking dibdib.
Maliit lang ang kahon, at nababalutan ng packagi ng tape ang buong kahon. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at napagdesisyonan na buksan na lamang iyon. Baka naman importante ito. Baka nakalimotan lang lagyan ng pangalan at address.
Kinuha ko ang cutter sa drawer ng mesa ko at sinimulang buksan ang package. Dahan-dahan ko ibinaon ang cutter sa gitna nito at hiniwa ito para mabuksan. Pigil ang hininga ko habang binubuksan ang kahon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Diyos ko, paano kung bigla na lang itong sasabog? Bigla akong napa-sign of the cross sa naisip. May mga kaaway ba ako? Wala naman akong natatandaan na nakaaway. Bumuntong-hininga ako at pinagpatuloy ang pagbukas sa package.
Nang tuluyang ko na itong nabuksan ay bumungad sa akin ang laman ng kahon. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makitang mga confetti ang laman niyon. Pero bakit ito ang laman? Bakit mga confetti?
Kinuha ko ang mga confetti na laman ng kahon hanggang sa mailabas ko lahat, sa pinakailalim ay maroong isang flash drive. Nagtatakang kinuha ko ang flash drive at sinuri. Ano 'to?
I opened my laptop and inserted the flash drive into the USB port of my computer. Kinakabahang binuksan ko ang nag-iisang file na naroon. Walang ibang file na naka-save sa flash drive kun'di ang isang five-minute video. I clicked on the file and waited for the video to play. Habang naglo-loading ang video ay malakas ang t***k ng puso ko, para akong hindi makahinga sa lakas ng kabog nito. I know videos like this, masama ang kutob ko sa video na ito.
Unang bungad ng video ay ang isang bakanteng kama, nasa isang silid ito pero maririnig ang mahinang hagikhik at malanding tawa ng isang babae. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Nahuhulaan ko na ang mga ganitong klaseng video, sa kama pa lang ay alam ko na kung ano ito. It's a s*x video! Pero sino ang nasa video na 'to? Wala ibang tao sa at ang tanging maririnig ay iyong mga halinghing at daing.
Nanginginig ang mga kamay ko kay kinuyom ko ang mga ito. Sino ang nasa video na ito? Is it Sebastian? Tumigil ako sa paghinga nang maisip na posibleng siya ang nasa video na ito. Hindi ko pa man nakikita ay para nang piniraso ang puso ko sa sakit.
What's this? Who would send this to me?
Naputol ang video pero biglang bumalik din. Nanlaki ang mga mata ko at tumigil ang buong mundo ko sa mga sumunod na palabas doon sa video.
Two people were on the bed, naked, and they were moaning and groaning. The man was on top of the woman while he thrust on her in a very barbaric way. Panay ungol lang ng babae habang nakapulupot ang mga braso nito sa leeg ng lalaki at ang mga binti nito ay nasa bewang ng lalaki.
Natuptop ang bibig ko sa nasaksihan. Unti-unti ay parang nawalan ng lakas ang buong katawan ko at nagsimulang tumulo ang mga luha ko. The pain of betrayal hit me like thunder. Hindi ako makapaniwala sa napanuod.
It was Niu, my husband with another woman. Ang babae ay iyong sikat na artista na nakita ko na kasama ni Sebastian sa restaurant. It was the same woman who was with Niu in those photos on the internet.
Alam niyang hindi edited and video. Hindi edited ang mga pictures na lumabas sa publiko. They just covered it so the issue will die down. Ang masakit ay hindi ko alam na may ganito pa lang nangyayari. Now everything adds up, with Sebastian meeting with that woman, he knew everything.
So, it was all true all along? Iyong mga larawan na nag-leaked sa internet ay totoong kuha at sinabi lang nila na edited ang mga iyon para matigil ang issue.
May alam si Sebastian pero hindi niya sinabi sa akin.
Parang pinunit ang puso ko habang pinapanoud si Niu na tinitira ng marahas ang babae. Puro ungol at daing nila ang maririnig sa buong kuwarto. Nasa malayo ang camera kaya hindi masyadong clear ang video pero kilala ko si Niu, nakasama ko siya sa loob ng dalawang taon kaya isang tingin lang ay alam kong siya ang nasa video na iyan.
Hindi ko namalayan na napuno na pala ang mukha ko ng mga luha ko na walang habas na lumalandas sa pisngi ko. Alam kong wala akong karapatan na masaktan dahil kasal lamang kami sa papel at alam naming dalawa na hanggang doon lang talaga iyon. Wala rin akong karapatan magalit sa kaniya dahil may kasalanan din ako dahil nagpaubaya ako kay Sebastian pero hindi ko akalain na masasaktan ako ng ganito.
How could he do that? Bakit kailangang may video pa? Is this his way of saying that he wanted out of the marriage? Hindi naman kailangan ng ganito. I would be more than happy to sign the papers if wants to.
"Claire!" Humahangos na pumasok si Kate si loob ng opisina ko. She looked frantic and bothered. Mabilis siyang lumapit sa akin pero napatigil din nang makita ang mukha ko.
"Anong nangyari?" tanong niya at nilapitan ako sa akiang lames. Hinawakan niya ang balikat ko at nag-alala akong sinuri. Nang hindi ko sinagot ang tanong niya at bumaling siya sa lamesa ko kung saan nandoon ang laptop.
"Oh, my god!" Kate screamed as she witnessed my husband grinned at some woman on the video.