TEN: "What's the rush?" KINATANGHALIAN pinagpahinga na muna ang mga workers at pinakain. May ini-hire sina Karen at Jaira na tagapag-asikaso at tagaluto ng meryenda at pananghalian ng mga workers kaya naiwan ang mga ito sa site at sila namang lima'y pumunta sa pinakamalapit na restaurant para manghalian na din. Yes, lima sila dahil inimbitahan at sinama na rin nila si Bea. Hindi nga alam ni Karen kung bakit hindi nalang ito sumabay sa truck na sinakyan nito kanina kasama ng mga delivery. Nais daw muna nitong magpaiwan at mauna sa ongoing na construction. Eh? For all she knows, nais lamang talaga nitong magpaiwan dahil nais pa nitong magtagal na makasama ang napupusuang Engineer nila ni Jaira! Sabi pa nito ay magco-commute nalang daw umano ito mamaya kaya, out of courtesy, inimbi