Chapter 105 Jeisen Jee POV Ilang minuto na ata akong nakatulala. Pinagmamasdan ko lang ang puting kisame. Huli kong natatandaan ay nabaril ako sa kanang braso ko. Hindi naman ito ganun kalala dahil sa braso lang nila ako nabaril. Psh. Ba't 'di pa sa puso ng matuluyan na ako? "Sleeping pills at pampamanhid ang ibinaril sa 'yo, Thena. Hindi naman ganun kalalim ang tama sa 'yo ng baril." Napalingon ako kay Zeus. Kapapasok niya lang sa silid ko dito sa kampo. May karga itong aso na maliit. Kulay itim at walang buntot. Nilalaro niya 'to. Aliw na aliw pa siya. Hmm. "Kumusta pakiramdam mo?" tanong niya. "Hindi ko alam," sagot ko naman. "Why? Ganun ba kagrabe ang pampamanhid na tumama sa 'yo? Hindi ba manhid ka na talaga." Tinitigan ko si Zeus. Parang timang lang. Natatawa kasi ito haba