Chapter 49 Sebastian POV Tama nga ako. Sila ang grupo na inimbitahan nila Arjhay. Darkgods pala ang tawag sa kanila. "Pinaka hihintay ko ang gabing ito para makalaban sila. Balita ko ay napaka galing at sobrang misteryoso nila." "Gusto ninyong makalaban ang mga 'darkgods' na 'yan?" Tanong ni Jeisen sa kanila ni Xao. Unti unti ng namamanhid ang kalahating binti ko. Ang sabi ni Arjhay oras ang bibilangin para tumalab sa buong katawan ko ang itinarak niya na lason sa 'kin. Tapos si Jeisen kanina pa kina kausap ang kabilang grupo. Pinapatagal niya. Dapat sa amin si Jeisen. Dapat sa akin kampi Jeisen. Hindi niya kilala ang 'black nymph'. Hawak sila ng malaking mafia kaya hindi sila takot pumatay at gunawa ng mga karantaduhan. "Matagal ko ng gustong makalaban ang top gang na pinag-uusa