Axel’s POV NAGING magulo ang takbo ng buhay ko sa mga sumunod na mga araw. Halos araw—araw na ang pagpunta ni Erin sa opisina ko. Naging malapit na nga siya sa ibang staff sa kompanya. Kung ako lang sana ang masusunod ay pinaalis ko na siya ngunit hindi. Masyadong matigas ang ulo at pakiramdam ni Erin. I already told her that I don’t like her and I don’t want her around at my office or even in the company but that won’t work for her. Ni hindi man lang siya nagpatinag at nagpatuloy lang siya sa pagpunta at pagpapapansin sa akin kahit na alam kong nahahalata na naman niyang hindi ko type ang babaeng tulad niya. “Come on, Axel. Kumain naman tayo sa labas kahit isang beses lang. Ilang araw na akong bumibisita dito sa opisina mo pero ni isang beses ay hindi moa ko niyayang lumabas,” binabalot