Axel's POV 6 Years Ago "SO, you're not leaving the office? Come on, Axel! Tatanda kang mag-isa niyan!" Rinig kong satsat ni Luke sa aking harapan. Hindi ko siya binalingan ng tingin. "You can't convince me to come, Luke. Kaya mas mabuting umalis ka na lang at magpakasaya. Masaya na ako dito sa opisina ko at huwag mo na akong guluhin," sambit ko at kahit na wala namang ginagawa ay pinilit kong ituon ang aking paningin sa screen ng laptop na nasa harapan ko ngayon. "Tsss. Pambihira naman, insan oh! Sa gwapo mong yan! Ano ang silbi ng katawan mo kung hindi mo i-explore. Kailangan mong i-explore ang ganda ng mundo," rinig na rinig ko kung paano nag-iba ang tono ng kaniyang boses habang sinasambit ang huling katatagan na iyon. Hindi na ako sumagot pa. Gamit ang kaliwang kamay ko ay gin