Present Days… Erin’s POV “WHAT, dad? Hindi pa bat apos? Ilang linggo pa akong mananatil isa impyernong ito? O baka buwan o aabutin pa ng taon? Dad! Makakaya mo bang nandito ako? Na nakakulong lang dito ang anak ng isang De La Vega?” mabilis kong sambit habang nakatitig lamang sa atensyon ni Daddy. Bakas sa aking boses ang matinding pagkakainip. Mag—iisang linggo na rin akong narito sa apat na rehas na ito kaya inip na inip na ako. Gusto ko nang lumabas at harapin ang mundong nakasanayan ko! “Hang on my princess, inaasikaso na ng lawyer natin ang appeal sa mga naging kaso mo. Baka nga ngayon ay nandito na iyon ngayon para kausapin tayo,” si daddy pero hindi na ako nagulat pa roon. “Come on, dad! Ilang beses mo na iyang sinabi. Kahit noong unang araw ko pa lang na narito ay iyan na ang

