Axel’s POV “KUMUSTA?” nakatingin lang ako sa kaniyang mga mata. Hindi siya nakatingin sa aking atensyon sa halip ay sa kung saang sulok nitong silid lang iyon nakatuon. “I don’t know, Axel. I don’t know if I can really say that I am okay,” mula sa kung saan ay ibinaling niya ang kaniyang atensyon sa aking mga mata. “Kitang—kita ko mula sa mga mat ani Erin ang galit! Baka isang araw may pupunta ritong mga pulis at arestuhin ako! Dammit, hindi ako pwedeng madamay sa gulong wala namang kinalaman sa buhay ko!” kapansin—pansin mula sa kaniyang boses ang takot. Natatakot siya at halata iyon sa tono ng kaniyang pananalita. “Nothing to worry, Enzo. Sa dinami—daming nagawa mo ay sa tingin mo hahayaan kitang madamay sa gulong ito? Saka, don’t worry about that Erin. Hindi naman iyon problema lalo

