Sandra’s POV “DAMMIT, you are pregnant, Sandra! Buntis ka nang umalis tayo sa Manila, isn’t it? Si Axel ang ama.” Kaagad akong natigilan sa sinabi ni Enzo sa akin. Ilang linggo pa naman kaming narito sa Amerika at ni isang beses ay walang nangyari sa amin ni Enzo kaya walang ibang nasa isipan ko kung hindi ang taong iniwan ko sa pinas. Hindi naman pwedeng basta—basta na lang ako mabubuntis nang walang lalaking gumalaw sa akin. Hindi ako nakapagsalita sa halip ay nanatili na lamang akong nakaharap sa sink. Masama pa rin ang pakiramdam ko ngayon ngunit kahit papaano ay unti—unti na ring humupa ang sakit sa aking tiyan dahilan ng aking pagsusuka kamakailan lang. “Hindi ko alam, Enzo. Hindi ko alam,” mahinang sambit ko at halata sa aking boses na hindi ko alam ang aking gagawin. “Walang