Axel’s POV BUONG oras lang akong nakatunganga sa aking opisina. Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang papalipasin ang oras. Saka magkikita rin kami ni Luke mamayang alas tres ng hapon. It is still 2 o’clock in the afternoon kaya may ilang oras pa akong papalipasin. Ilang minuto lang ang lumipas nang marinig ko ang ringtone ng aking cellphone. Hindi ko sana iyon babalingan ng atensyon lalo pa at hindi naman ako available for appointment ngunit nang mapansin ko ang pangalan ng contact nakaflash sa aking screen ay hindi ko maiwasan ang magulat. Kaagad kong dinampot ang aking cellphone. I quickly get my phone up saka mabilis na tinangnan nang mabuti ang pangalan doon ngunit hindi ako nagkakamali ng tingin kanina. Mabilis kong pinindot ang message niyang ‘yon saka mabilis na binasa an