Sandra’s POV MAHIGIT dalawang taon na kaming nagsasama ni Axel sa iisang bahay at inaamin kong tama naman siya ng sinabi; hindi na niya ako nasolo sa loob ng mga taon na iyon. All the time, I give it all to my twins. From pregnancy, hanggang sa manganak ako at hanggang sa naging isang taong gulang sina Euri at Ethan. Ni nakalimutan ko na ang dating ginagawa namin ni Axel. Siguro ganito nga talaga ang buhay nang may pamilya. We did family outing every weekend at kung hindi man kami nakalalabas ay sa loob ng bahay lang kami ni Axel kasama ang kambal at nanonood ng movie o kaya doing indoor games. Inaamin kong nakalimutan ko na iyong pakiramdam na si Axel lang. Iyong si Axel lang ang tanging kasama ko sa iisang pader. Dahil na rin sa kambal ko na kung nasaan man ako ay naroon rin sila. Tul

