Axel’s POV “AALIS ka na ba ngayon? Kailan ka babalik sa kompanya? Hindi ka pwedeng manatili diyan sa mas mahabang panahon, the company may put at risk.” I heard him after I picked up his call. Napatingin ako sa relos na nasa palapulsuhan ko ngayon. Alas sais pa pala ng umaga. Kung hindi lang niya ako tinawagan ay hindi na sana ako gigising pa. But it seems this call is quite important. “Ngayon, ngayon ako babalik sa kompanya.” Wika ko nang wala nang paligoy—ligoy pa. “Where is she? Kumusta na kayo? Nakuha mo ba?” tanong nito mula sa kabilang linya. Napalunok ako ng sarili kong laway. Mula sa bintana nitong hotel ay bumaling akong muli sa kaniya na ngayong ay mahimbing pa ring natutulog. She is lying in the bed habang nakaupo ako sa gilid niya. I look at her eyes. It is obvious that s