Axel’s POV NAIBALING ko ang aking atensyon nang mapansin ko ang pagtunog ng ringtone ng aking cellphone. Mula sa screen ay hindi ko inaasahang ang pinakahihintay kong tawag ang siyang makikita ko roon. I then pick up my phone saka binuksan ang tawag na iyon. Hindi na ako nagpaligoy—ligoy pa at kaagad ko rin iyong sinagot. “Where is she?” tanong ko matapos itong bumati sa akin. “She’s heading to the company.” Sagot nito dahilan upang mapalunok ako ng sarili kong laway. So, she’s riding towards the company now. Dapat pala naghanda na ako. Hindi pwedeng hindi ko masaksihan ang isa sa pinakamasayang araw ng babaeng pinakamamahal ko. Alam kong espesyal para kay Sandra ang araw na ito. Ito ang unang araw ng pagpunta niya sa opisina at hindi ko maaaring papalampasin ang makita ang kaniyang