“MY GOD! Anong nangyari sa mukha mo?” tanong ni Everlee kay DK. “Pwede bang ‘wag ka munang magtanong? Okay?” Ngumiti ito pero sinamaan niya lang nang tingin. “Kaya ba hindi mo magawang tawagan an parents mo dahil dyan? Kanino ka naman nakipag one-on-one? Kailan ka pa naging pala away?” “C’mon, Lee. Pinapunta kita rito para magpatulong na gamutin ito. Okay?” Nameywang si Everlee. “Dapat sa ospital ka magpagamot hindi sa akin. Alam mo naman ang mga tinapos ko. Right?” “I know. Pero madali lang ‘to.” “Madali pala, e. Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa? Si Alice kaya? ‘Yong mga girlfriend mo?” Saglit itong natigilan. “Ikaw lang ang kakilala ko rito. Kaya ikaw lang din ang makakatulong sa akin.” Napailing na lang si Everlee sa sinabi ni DK. Mukhang wala naman siyang magagawa kaya t