“DK! Hoy!” Tinampal pa ni Everlee ang balikat nito bago para gisingin pero hindi ito nagigising. Tinitigan niya ang mata nito. Gumalaw iyon kaya napaingos siya. “Alam kong gising ka. Umalis ka ngayon din bago pa may makakita sa ‘yo dito.” Tumayo na siya noon. Nakapameywang pa siya. Naningkit ang mata niya nang dumapa ito. O ‘di ba, gising? “Mga 5 minutes pa, Lee. Nahihilo ako. Okay?” Napahilot siya sa noo. “Wala ka bang kasama? Magpahatid ka kaya kila Kuya Ian?” “No need,” sagot nito. Inorasan na lang ni Everlee ito. Talagang nag-alarm siya at inilagay bandang uluhan nito. Sa upuan niya siya naupo, sa may side table banda. Dahil pagod si Everlee, nakaidlip siya doon. Hindi na niya napansin ang pag-alarm ng cellphone niya. Nagising si Everlee dahil sa naramdamang pangangal