HININTAY ni Everlee na magpaalam ang mga staff niya bago pumasok sa opisina niya. Nakababa na ang mga kurtina at nakasara ang mga bintana bago nagpaalam ang mga ito. Madali lang naman ibaba ang roll-up. Saka kasama naman niya si DK, nasa opisina niya, kaya hindi siya mahihirapan. Nakangiti si DK nang makita siya. Tumayo ito para yakapin siya. “Congrats, little wife,” anito sa kanya. “Thanks.” Ramdam na niya ang pagod kaya bumitaw siya kay DK. Pasalampak na naupo din siya. Bumungad sa kanya ang napakahabang comments mula sa post ng isang page ng cafe nila. Pero hindi sila ang gumawa nito. Website lang ang meron sila. “Wow,” aniya. “Ang daming nag-comment. Kaya naman pala ang daming pumunta.” “Well, salamat sa ex mo. Na-boost na nga dahil sa promotion niya.” Inisa-isa niya ang comme