KANINA pa nakatingin si DK sa mga kapatid at magulang pero parang may hinahanap siya. Araw noon ng Sunday. Lahat kumpleto. Nagsimulang magtipon-tipon sila nang umuwi siya. Always naman. Mag-iisang taon na siyang ganito. Right after ng divorce niya with Everlee. “Ang lalim ng iniisip mo, anak. May problema ka bang naiwan?” “Nothing, dad. I just realize na ang dami kong na-miss dito.” Napaangat nang kilay ang amang si Dave. “Actually, son, wala namang nagbago dito.” Hindi man lang naibaba ng ama ang kilay nito. “Sa tingin ko, ikaw ang nagbago.” Natawa si DK. “Oh. Ako po ba?” Tinuro pa niya ang sarili. “Yeah.” Tinitigan siya ng ama. “Parang hindi ikaw ang anak ko. What happened back there, huh? Parang mas okay ang mood mo right after mong ikasal kay Everlee.” Natigilan si DK sa narini