Chapter 3

1131 Words
Nagising si Naddie sa tunog ng kanyang napakalakas na alarm clock. Napaungot siya at nag-stretch ng buong katawan. Seattle life felt so good. Napangiti na lang siya habang inililibot ang tingin sa buong kwarto. She took in a deep breath before slowly getting up. Nag-unat-unat pa siya roon. Bumaba siya ng kama at saka pumunta na ng kanyang kusina. Nakangiting naghanda siya ng kanyang agahan. She just got herself some toast and then she made herself a tea. Kinuha niya ang mga iyon at dinala sa kanyang dining table. Mula roon ay tanaw niya mula sa bintana ng kanyang sala ang langit. Oh how much she longed to be in that position. Ibang-iba ang buhay niya ngayon. Sa Pilipinas, pagkagising niya, bababa lang siya tapos ay may maghahanda na sa kanya. Years ago she was able to live independently like this, but when her disease got worsen, hindi na siya pinayagan ng kanyang mga magulang at wala siyang nagawa kundi ang sundin ang mga ito at ang manatili sa kanilang bahay. It was the first time since she gained her independence back and it was just so nice. Wala na yata siyang mahihiling pa roon. Napangiti na lang siya at napailing. Huminga siya nang malalim at saka nagsimula nang kumain. Ninanamnam niya ang kanyang french toast at tea nang biglang mag-ring ang kanyang iPad sa kwarto niya. Nangunot ang kanyang noo. Sure siyang ang iPad niya iyon dahil nasa tabi niya naman ang kanyang cell phone at hindi naman iyon ang tumutunog. Napaungot siya at pabagsak na tumayo para puntahan ang iPad. Kunot na kunot ang kanyang noo nang bumalandra sa kanya ang mukha ni Kier. Napairap siya at saka sinagot iyon. Bumalik siya sa kanyang dining area. "What?" bungad niya rito. Humikab si Kier sa kabila. Pinadaan pa nito ang mga daliri sa buhok at ginulo iyon. Halata sa mukha ng lalaking kagigising lang nito. "Morning to you, too." Kumunot ang noo niya at saka siya umupo sa upuan niya kanina. Inayos niya muna ang kanyang iPad. "Gabi diyan. Anong good morning?" bara niya pa rito. Kumain na lang muna siya ng toast niya. Nakita niya ang pagbagsak ni Kier sa kama. Ni hindi niya alam kung bakit hindi pa ito tulog gayong gabi na sa Pilipinas. "Tsk. Can you just appreciate that I woke up here so I could talk to you? Alam ko namang hindi ka makakausap kung gabi riyan." Umismid ito sa kanya. Umirap siya. "Buti at alam mo. Bakit ka nga ba kasi tumawag, ha?" Humigop siya ng kanyang tsaa. Humikab ulit si Kier sa kabila. Kita niya sa anggulo ng camera na naka-topless lang ito. "Tsk. Syempre kinukumusta kita! Tang ina, hindi ako mapakali, no. Ako kaya tumulong sa iyo. Basically, I'm the reason that Tito Duke is throwing cold shoulders to everyone. Gago, pati sina Mommy at Tito hindi pinapansin. Si Tita Saia lang kinakausap nito, e." Tinaasan niya ito ng kilay. "Did he confront you about it?" Bumuga ito ng hininga. "Hindi. Pero iyong mata niya nakakamatay. s**t. He knew, Nads. For sure, he knew. Gagi. Nakakabaliw dito! Every huddle na lang pakiramdam ko shinushuriken ako ni Tito. Fuck." Umiiling-iling ito at nahilamos pa ang isang kamay nito sa mukha. Kita niya ang frustration sa mukha nito na para bang problematic na problematic. Napailing na lang siya rito. Humigop ulit siya sa kanyang tsaa. "Tsk sana all nakakapag-relax lang diyan, no?" sarcastic na sambit nito. Humalakhak lang siya rito. Umiling lang siya rito. "I'm fine here," sabi niya pa. Nagdadalawang-isip pa siya kung sasabihin niya ang tungkol sa pagpapa-check niya sa hospital at ang p*******t ng dibdib niya. Pag kasi inamin niya iyon baka lumipad ng Seattle itong magaling niyang kababata. Napaka-impulsive pa naman ng isang ito pag natataranta at nag-aalala. Ipinokus niya muna ang atensyon sa kanyang french toast. "Are you sure?" tanong pa nito sa kanya. Napairap siya. Nang balingan niya ito ng tingin ay magkasalubong na ang mga kilay nito na para bang hindi naniniwala sa kanya. Umismid siya rito. "Oo nga!" Sinamaan niya ito ng tingin. Sumimangot lang ito sa kanya tapos ay sinabunutan pa nito ang sarili. "Kasi naman, Naddie, e! Tito Duke is furious. I can see it, okay? Cold shoulders nga pero iyong mata gagu! Para akong nado-double dead, e! Buti na lang nandiyan si Tita Saia. f**k. I cannot take this anymore. Mababaliw ako rito!" Hindi alam ni Naddie kung paano siya magre-react sa kababata niya. She sipped on her tea and gave out a sigh. Naaawa naman siya sa kababata niya. Ramdam at nai-imagine niya ang sinasabi nito dahil kilala niya ang daddy niya. Noon nga sa tuwing nagkakatampuhan sila, hindi niya kinakaya nang ganoon ng daddy niya. What more ngayon kung galit ito? Napailing na lang siya. Tiningnan niya si Kier na stress na stress na roon. "Kier, huwag mo na lang pansinin, pwede? Just go do your thing okay? Huwag mo nang pansinin si Daddy. Mas masi-stress ka lang diyan," aniya pa rito. Sumimangot si Kier sa kanya. "You just say that kasi nandiyan ka," sabi pa nito. Umiling lang siya rito. "Shut it, Kier. Just mind your own business, Daddy will come around eventually," sabi niya pa. Napahinga na lang ito nang malalim. Napatingin si Naddie sa kanyang cell phone para sa oras. "Anyway, I need to go na. May plano pa ako ngayong araw." Kumunot ang noo nito. "Saan?" Ngumiti lang siya rito. "Anywhere. Sige na. Ba-bye!" "Ha? Wait-" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil in-end na niya ang tawag. Napailing na lang ulit siya at bumalik sa pagkain. Napahinga siya nang malalim habang naiisip ang kanyang kababata. Inaamin niyang medyo na-guilty siya dahil siya ang dahilan kung bakit nagkakagulo sa bahay nila, pero at the same time, hindi niya rin talaga pinagsisisihan ang bagay na ito dahil alam niyang para ito sa kanyang sarili. **** Pagkatapos ng breakfast niya ay nagmadaling magbihis si Naddie. Ang plano niya lang talaga sa araw na iyon ay mas maglibot pa pero this time ay sasakay na siya at hindi na niya masyadong papagurin ang kanyang sarili. Ipinilig niya ang ulo at inilibot ang tingin sa kanyang paligid. Nakailang picture pa siya roon. Karamihan sa mga kuha niya ay sceneries at may iilang selfie rin siya. Hindi naman kasi siya iyong taong nakakapag-mingle sa mga taong di pa niya kilala kaya hindi siya maka-ask ng favor para magpa-picture. Nasa kalagitnaan siya ng pagtitingin ng mga litrato habang naglalakad nang biglang may bumunggo sa kanya. "Ouch!" "Oh s**t, sorry, Miss." Mabilis na nag-angat siya ng tingin nang hawakan siya ng nakabangga sa magkabilang braso para hindi siya matumba. Nang magtama ang kanilang mga mata ng lalaki at napasinghap siya. "You?" hindi makapaniwalang sambit niya. Confused na tinitigan naman siya ng lalaki. "Me what?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD