"Morning…" Agad na napawi ang ngiti ni Dee nang bumuka ang kanyang mga mata. "Naddie?" mabilis niyang tawag at agad na iginala ang tingin sa buong paligid pero kahit na anong lingon niya ay wala siyang makita. Ni anino ni Naddie ay hindi niya makita. Napabalikwas nang bangon si Dee. “What the f**k?” mura niya nang halos halughugin na niya ang buong kwarto pero wala roon si Naddie. They were still in one room with two beds just like the room that they had before they went here in LA. Mabilis niyang pinuntahan ang mga cabinet saka tiningnan ang kanilang mga gamit pero ganoon na lamang kanyang pagkawindang nang wala ng laman ang mga cabinet. Tanging mga damit na lang niya ang naroon! “f**k! f**k!” Mabilis na lumabas siya ng kwarto at agad na nagpunta ng reception area. They were stayi