“Hi!” Ang nakangiting mukha ni Dee ang agad na sumalubong kay Naddie nang buksan nito ang pinto. Hindi siya sumagot dito. Walang emosyong nakatitig lang siya sa mukha ni Dee dahilan para mangunot ang noo nito sa kanya. Nanatili ang tingin niya rito. Hindi niya ito sinagot, sa halip ay niyakap niya ito nang mahigpit. Parang natuod naman si Dee sa kinatatayuan nito. Tila hindi ito makapaniwala sa kanyang ginawa. Well kahit din naman siya ay hindi alam kung bakit niya ginawa iyon. Basta ang alam niya ay gusto niyang yakapin ang lalaki at i-comfort. She just felt that Dee needed that right now. “Naddie, you’re scaring me…” mahinang sambit nito sa kanya. Saglit na napapikit si Naddie bago bahagyang kumalas sa yakap at tumingala kay Dee. Nang magtama ang kanilang mga mata ay kitang-kita ni