Gustong mag-walkout ni Naddie pero wala rin kasi talaga siyang pupuntahan at ayaw niyang umuwi pa sa kanila. She was just calm outside but she was already burning on the inside. Wala tuloy siyang choice kundi ang mag-stay roon at makinig sa kung ano mang pag-uusapan ni Kier at Dee. Totoo naman pala talaga ang sinabi ni Kier na may meeting ito kasama si Dee. Since nandoon na naman sila ay nakinig na lang din sila. Thankfully, the meeting was just for around 20 minutes. May meeting pa rin kasi si Dee after. Napahinga nang malalim si Naddie at saka sumandal sa likod ng kanyang inuupuan. Nakahalukipkip si Naddie habang nakadekwatro ng upo. Nakatitig lang siya sa mga kaibigan na tila fan na fan ni Dee. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng lalaki para maging ganoon ang mga kababata niya rito