"Are you good?" Hindi napigilan ni Naddie ang matawa habang tumatango kay Dee. "Yeah, yeah, okay lang ako," sabi niya pa rito. Narinig niya pa ang pahinang pagtawa ni Dee sa kanyang tabi kaya agad niya itong sinamaan ng tingin. "What?" natatawang tanong pa ni Dee. Inirapan niya ito. "What are you laughing at?" masungit na tanong niya pa rito. Mas lalo lang itong tumawa sa kanya. "Hey, chill. Ang cute mo lang," komento pa nito. Sumimangot lang si Naddie at muli ay umirap. She crossed her arms. "Bakit mo kasi ako pinasakay sa ride na iyon?! Ughhh I swear, super nakakainis ka!" Inirapan niya pa ito. Tumawa lang ulit ito sa kanya. Nakasimangot pa rin siya rito at hindi na lang ito pinansin. Napatingin siya sa labas ng sasakyan. Wala na siyang ideya kung nasaan sila at kung saan