Tulala si Naddie habang nakatitig sa kanyang phone. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga natanggap na chat ni Dee. At nahanap na nga siya nito sa social media. Hindi makapaniwalang napatitig na lang siya sa kanyang cell phone, hindi alam kung ano ang magiging reaksyon niya. ‘What the hell. Ano bang problema mo, Dee Martin? Why are you making things complicated?!’ “Ughh!” Naddie groaned in frustration. Hindi na talaga niya alam kung ano ang gagawin niya kay Dee. He’s just so stubborn. Hindi niya alam kung paano nita ipapaintindi rito ang gusto niya. Bakit nga ba kasi napakakulit ng lalaking iyon? Hindi niya rin talaga alam kung bakit tila na-attach sa kanya si Dee. ‘Kahit na-attach ka rin?’ Nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Napasinghap pa siya at mabilis na