“Who is this girl?” Agad na umikot ang mga mata ni Dee sa tanong ng kanyang kaibigan. “Tsk.” “What?” Tumawa si Aireon Legaspi. “Shut up, Air. Seryoso ako.” sambit pa ni Dee sa kaibigan. Agad namang nagtaas ng kamay ang kanyang magaling na kaibigan. Naiiling pa ito habang tumatawa sa kanya. “Chill, bro. I was asking!” “Kuya, tigilan mo na sa kaaasar iyan, baka mas ma-badtrip,” sambit naman ni Gaireo, ang kapatid ni Aireon. Mas lalong nairita si Dee sa reaksyon ng magkapatid na Legaspi. Nandito pa naman siya para humingi ng tulong sa mga ito tapos ay tatawanan lang siya ng mga gago. Ang galing lang. “Hi Kuyas!” Agad na napalingon silang tatlo nang marinig ang boses na iyon. “Hey, Sav!” Si Gaireo ang tumayo at saka lumapit kay Savina. “I thought of dropping these off. Since