“What?” Hindi na napigilang sabi ni Naddie. Doon nabaling sa kanya ang tingin ni Janeena. Nangunot ang noo nito at pinagmasdan pa siyang maigi. “Hi! You know what, you look familiar,” sabi pa nito. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Pinipigilan niya ang sariling huwag magalit at mainis kahit na ang pagtingin lang sa babaeng ito ay nakakasira na ng kanyang araw. Kailangan niyang magtimpi dahil ayaw niyang magkagulo at ayaw niya rin namang maging unprofessional sa harapan ng mga boss ng KN Records. Hindi niya lang alam kung bakit nandito itong pinsan ni Dee at kung bakit sinasabi nitong representative ito ng Deorgracia group. “Miss Janeena,” ang ama ni Niccolo na ang tumayo at nagsalita. “Yes?” masayang sabi pa ni Janeena. “The Deogracias may have a share in the company but you do no
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books