KABANATA 25 Zarkuz Xahir’s POV “Ngayon masasaksihan natin ang pagiisang dibdib ng bampira, ang Panginoong Zarkuz at Prinsesa Fiona Serenity,” pormal na saad ng uwak. Narito na ang pagkakataong hinintay ko. Nakatayo kami ng aking mahal sa gitna ng puno na ginawa ni Prinsesa Izzabella nakangiti kami pareho dahil sa kasiyahan. Kumikislap ito tila parang nagbubunyi rin, ang kakakapal na dahon at malagong sanga ang nagsisilbing silong sa mga kalahi naming bampira na inimbitahan namin sa kasal. Nakasuot ng magarang itim na bestida ang mahal ko, na galing ito kay Joziah. “Ito ang sagradong tubig na papatakan ng dugo at iinumin ng dalawang ikakasal. Ang baso ng lalakeng bampira ay iinumin ng babaeng bampira at ang babaeng bampira ay iinumin ang baso ng lalakeng bampira,” dagdag pa ng uwak. Hi