KABANATA 15 Fiona Serenity's POV NAGISING ako ng bigla kong naalala ang nangyari sa ‘kin bago ako nawalan ng malay. Pero, halos nahinto ang pag-hinga ko dahil bumungad sa ‘kin ‘yung lalakeng nakita ko kanina na nakahiga sa harapan ko. "S-SINO KA! ANONG LUGAR TO!" sigaw ko at napabangon bigla. Napatitig kaagad ako sa buong kwarto. Kulay pula ang sapin sa kama at may nakita akong pulang uwak na nakatatak sa pintuan. "K-KAYO A-ANG KALABAN NG BLACK CROW!" sagdag ko sabay tinuturo ang nakita ko sa pintuan. Bigla niya akong hinila patayo sa kama at tinignan ako sa mata. "Tama ka, mag papakilala muna ako. Ako si Forezt Cassiuz, pinuno ng Red Crow." Napa-atras nalang ako sa sinabi niya. Naalala ko ‘yung sinabi ni Zemetrius sakin. Magingat daw ako sa bampirang ito. "Alam mo namang mangyayari