Chapter seventy five LOU Pagkauwi namin nilapag ko agad yung gamit ko at umupo, para akong balisang balisa ngayon dahil hindi ako umiimik, hindi rin kase ako makapagkwento ng maayos dahil ang daming bumabagabag sa akin. “ Magsabi ka, ano bang nangyari sa restaurant niyo? Ang tahimik mo kanina pa.” “ Wala lang to, pagod lang rin tapos nakabasag ako kanina ng plato, syempre pinagalitan ako kaya medyo nasaktan ako pero siguro dahil sa pagod ko kaya ako nagkakaganito.” “ Sigurado ka ba yun lang ang dahilan?” “ Oo naman.” Ngumiti ako sa kaniya. “ Umm, may sasabihin pala ako, diba gusto mo rin lumipat na ng bahay?” yung dati kase na nakita namin na malapit sa pinagtatrabahuan naming dalawa ay delekado, maraming mga nag iinom at palaging nagkakagulo. “ Gusto ko naman, bakit mo natanong?”